Ang librong ito ay kwento ng aking personal na karanasan. Eighteen years na rin ang nakalipas at ang aking panganay ay 18 years old na rin ngayon. Kaparehong edad ko siya noong ako’y nag desisyon na pumasok sa buhay may pamilya at siya ang naging blessing. Bilang isang ina, takot ako na mangyari sa kanya ang mga hirap na pinag daanan ko . Siya ang naging inspirasyon ko at nagpapalakas ng aking loob upang maisulat ko ang librong eto, ng para maging gabay sa kanya ang aking mga lessons learned sa buhay, ng alam niya ang mga dapat at hindi dapat gawin para maiwasan ang pagsisisi sa bandang huli. Sounds boring itong topic lalo na sa mga teenagers. Takot lang naman ako sa kasabihan na “History repeats itself”. Sana ang aklat na ito ang magiging daan upang ito ay maiwasan. Ang akala ko ang pag-ibig na wagas na nakikita ko sa telebisyon ay sapat na sa pagbuo ng pamilya ngunit hindi pala. Marami pa pala akong dapat isinaalang-alang noon bago ako mag qualify sa buhay may-asawa at eto ay ang edukasyon, hanapbuhay at sakripisyo. Sapagkat kapag wala tayo nito ay ano nga ba ang maibibigay natin sa ating magiging pamilya or kung kahit nalang para sa ating sarili. Paano tayo mag survive kahit papaano? Dahil ayon nga ng isang kasabihan na “Our life is our responsibility.” Kaya heto ang lesson learned ko sa buhay upang di ka mahulog sa maagang pag papamilya like me upang maihanda mo ng iyong sarili for a successful future.