Ang aking libro ay patungkol sa pag-ibig, inabuso, nang-aabuso ng kapwa tao, at higit sa lahat, mayroong moral lesson na mababasa. Ito’y isinulat ko ng buong puso at ang iba dito ay nabigyan ng sertipiko. Sa aklat na ito napapaloob rin ang minsan ko ng naramdaman at naranasan. Para sa akin hindi lang ito aklat ng mga tula kundi aklat ng mga taong gustong magpahinga pag sila ay sobrang pagod na.