Ang padayon pahuway paglalakbay ay mga hiligaynon at tagalog na mga salita. Ang padayon ay ipagpatuloy o "keep on going". Ang pahuway naman ay magpahinga o "take a break". Samantalang ang paglalakbay ay tumutukoy 'di lamang sa pisikal na pagbyahe kundi sa "journey o pakikipagsapalaran" ng ating buhay. Ang mga baybayin naman ay ang ating katutubo na paraan ng pagsusulat na existing na bago pa man tayo masakop ng mga banyaga. Ang mga istorya, perspektibo at pilosopiya na nakapaloob dito ay mga personal na pananaw ng author mula sa kanyang mga karanasan at obserbasyon sa ating kultura at kaugalian bilang mga tao. Ang cover page naman ay tumutukoy sa paglubog ng araw upang magbigay ng oras sa gabi at sa paglipas nito ay may "dawn of the morning" na lilitaw ang unang sikat ng araw upang tayong lahat ay bigyan ng bagong pag-asa sa buhay. Ang silhouette na mag partner ay kami ni Agom na naging matatag sa pagsubok ng buhay sa tulong ng mga tao sa paligid at ng Maykapal. Salamat sa pagtangkilik!


700 
  • SKU: #ilocano poetry
  • Shipping: 

I BUILT MY SITE FOR FREE USING